Pulis patay sa engkwentro kontra CPP-NPA sa Mountain Province

Patay ang isang pulis nang makasagupa ang miyembro ng New People’s Army sa Sitio Malabagan, Barangay Bangnen sa bayan ng Bauko, Mountain Province.

Kinilala ang nasawing pulis na si Patrolman Wilfredo Padawil.

Base ulat, nagpapatrulya ang pwersa ng pamahalaan nang makasagupa ang mga rebelde.

Naniniwala ang Regional Mobile Force Battalion 15 na may mga casualties din sa panig ng rebelde dahil may bahid ng dugo sa kanilang dinaanan sa pagtakas.

Nangyari ang engkwentro kasabay ng ika-50 anibersaryo ng rebeldeng grupo kahapon.

Nauna dito ay inalerto ng pamunuan ng Philippine National Police ang kanilang hanay na maging handa sa mga pag-atake ng NPA members.

Read more...