Bagong PCG patrol boat gagamitin sa paghahatid ng mga balota

defensePH.net

Ginamit na ng Philippine Coast Guard ang isa sa apat na French Fast Patrol boats sa Mindanao.

Ang nasabing patrol boats ay gagamitin sa anti-smuggling operations sa rehiyon.

Ayon kay Commodore Joseph Coyme ng South Western Mindanao District, masusubukan ang nasabing patrol boats sa paghahatid ng mga election paraphernalia para sa May midterm elections.

Ang BRP Malamawi ay mayroong 2 diesel engines at may maximum speed na 32 knots at kayang magsakay ng 12 crew.

Read more...