Sa saliw ng mga tugtugin noong 90s, ipinamalas ng Arellano Chief Squad ang kanilang galing sa cheerleading para makakuha ng 229.5 points.
Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Chief Squad.
Wagi ang Arellano kontra sa pinakamatindi nilang kalaban na University of Perpetual Help Perps Squad na itinanghal na 2nd place sa iskot na 222.5 points.
Mayroon nang apat na cheerleading titles ang Arellano na mas mababa pa rin sa Perpetual na mayroong siyam.
Ayon kay AU coach Lucky San Juan, nakita niya ang puso ng pagiging isang kampeon sa kanyang team kaya’t naging maganda ang kanilang performance.
Naniniwala si San Juan na malaki rin ang naitulong ng level of difficulty ng kanilang stunts sa kanilang pagkapanalo.
Nag-uwi ng P100,000 cash prize ang Arellano.