COMELEC: Walang reklamo sa unang araw ng kampanya para sa local candidates

Kuha ni Ricky Brozas

Wala pang natatanggap na reklamo ang Commission on Elections (Comelec) kasabay ng pagsisimula ng kampanya ng mga lokal na kandidato.

Sa isang panayam sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na maganda ang feedback dahil wala pang reklamo tungkol sa mga sumikip na kalsada o hindi kaya ay sa naging mga campaign activities araw ng Biyernes.

Gayunman, sinabi ni Jimenez na unang araw pa lamang ito at wala naman din silang inaasahang pagkakaiba dahil noon pa man ay nangangampanya na ang mga kandidato nang maghain ang mga ito ng certificates of candidacy.

Napansin naman anya ng Comelec ang pagdami ng bilang ng Facebook posts ng mga local candidates.

Ani Jimenez, wala pa naman silang nakikita na mga boosted posts o yaong binayaran para makaabot sa mas malaking audience.

Muli namang nanawagan ang Comelec official sa mga kandidato na magpatupad ng strict control sa kanilang mga tagasuporta para maiwasan ang gulo.

Read more...