Tatay at 2 anak, patay sa aksidente sa Tarlac

Nasawi ang isang ama at dalawang anak nito sa aksidente sa lansangan sa Sta. Ignacia, Tarlac.

Nagmamaneho si Eliseo Mariano ng tricycle nang sumalpok ito sa isang van na nagresulta sa pagkasunog ng tricycle at pagkamatay nito at mga anak na sina Joshua at Eloisa.

Ayon kay Sta. Ignacia Police Station chief Banduarez Lingaling, dahil sa impact ng dalawang sasakyan ay nasunog ang isang naipit na bata.

Posible anyang ang sunog ay dahil sa friction o dahil sa battery at gasolina ay na-ignite kaya nagkasunog.

Nabatid na binagtas ng tricycle ang lane ng van.

Nasa kustodiya naman na ng pulisya ang driver ng van.

Read more...