GMA talent Migo Adecer, nag-sorry sa kinasangkutang gulo

Humingi ng paumanhin si GMA talent Migo Adecer sa kinasangkutang insidente kung saan nasagi niya ang dalawang empleyado ng MMDA sa Makati noong Martes.

Sa social media ay ipinaliwanag ng binata na hindi niya planong labagin ang mga otoridad.

Nag-sorry ito sa mga otoridad at ipinaliwanag na hindi niya intensyon ang pangyayari.

Nagpasalamat naman ito sa dalawang MMDA personnel na anya ay pinatawad siya.

Anuman anya ang kanyang nasabi at nagawa ay produkto lamang ng magkahalong galit at pagkalito.

Ito anya ang unang pagkakataon na naranasan niya ang pangyayari.

“Whatever I had said and done at that time was just a product of mixed fear and confusion on my part due to that situation which I have never experienced before,” pahayag ng aktor.

Sa huli ay humingi ng pang-unawa si Migo sa hindi pagpayag sa anumang panayam.

Sa tamang oras anya ay haharapin niya ang mga tanong ng publiko ukol sa insidente.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Migo Adecer (@migo.adecer) on Mar 29, 2019 at 4:23am PDT

Read more...