“It gives me the high that we were able to realize at least a part, maybe not all, but a part of what the entire country would have wished for the Moro people of Mindanao,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa Cotabato City Biyernes ng gabi.
Nagpasalamat ang Pangulo sa pag-intindi sa BTA at pagbibigay ng panahon sa gobyerno na gawin itong legal sa pamamagitan ng batas.
Ayon kay Duterte pangako ng bagong Bangsamoro region ang pag-asa sa lugar.
Samantala, umaasa ang Pangulo na magkakaroon ng kasunduan sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa pangunguna ni founding chairman Nur Misuari para makumpleto na ang peace process.
“Maybe in due time, with the prayers of Allah we’d be able to fix also the western part, and I hope to talk to our brother Nur Misuari on the western side,” dagdag ni Duterte.
Matatandaan na niratipikahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) sa plebisito noong January 21 at February 6.