Inflation ngayong Marso mas babagal pa ayon sa BSP

Kuha ni Ricky Brozas
Mas babagal pa ang maitatalang inflation o ang pagtaas ng halaga ng bilihin at serbisyo para sa buwan ng Marso.

Ito ang pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP, base sa projection ng kanilang Department of Economic Research, ang March inflation ay papalo lang sa 3.1 percent hanggang 3.9 percent.

Magugunitang nuong Pebrero, 3.8 percent ang naitalang inflation.

Ang February inflation ang maituturing nang pinakamabagal mula noong March 2018 kung kailan naitala ang 4.3 inflation rate.

Read more...