Magnolia star player PJ Simon, champion sa 3-point shootout ng 2019 PBA All-Star Weekend

Inquirer Photo
Itinanghal si Magnolia star player PJ Simon bilang bagong kampeon ng Three-Point Shootout ng 2019 PBA All-Star Weekend sa Calasiao, Pangasinan.

Natapos ni Simon ang huling round ng shootout na may 17 points.

Nakalaban ng 38-anyos na manlalaro sa shootout sina Philip Paniamogan ng NLEX na may 14 points at Robert Bolick mula sa NorthPort na may 18 points.

Aniya, hindi nito inaasahang maiimbitahan siya sa naturang exhibition sa kanyang ika-15 season sa PBA.

Nagpasalamat naman ang star player ng Magnolia sa Panginoon para sa panibagong achievement sa kaniyang basketball career.

Naungusan naman ni Simon sa Three-Point shootout ang dating teammate at ngayo’y Rain of Shine shooting guard na si James Yap.

Nabigong idepensa ni Yap ang titulo makaraang makapagtala ng 11 points sa elimination round.

Read more...