‘Dagul’ nag-leave na sa Goin’ Bulilit dahil tumatakbong konsehal sa Rizal

FB Photo

Nagsimula na ang leave of absence ni ‘Dagul’ sa Goin’ Bulilit kasabay ng pagsisimula ng kampanya para sa mga lokal na kandidato, araw ng Biyernes, March 2019.

Si Dagul kasi na Romy Pastrana ang pangalan sa totoong buhay ay tumatakbong konsehal ng bayan sa Rodriguez, Rizal.

Independent candidate si Dagul.

Bago ang pagtakbo bilang konsehal si Dagul ay naging Kagawad na ng isang barangay sa Rodriguez.

Gaya ng ibang lokal na kandidato, sa pag-uumpisa ng campaign period ngayong araw, umarangkada na rin ang pangangampanya ni Dagul bitbit ang slogan na “The small man with a big heart”.

Si Dagul ay matagal nang cast ng Goin’ Bulilit.

Read more...