Ayon kay Dr. Mohammad Yacob, minister ng BARMM Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform ang datos ay base sa ulat ng BARMM El Niño Task Force.
Maari pa aniyang tumaas ang halaga dahil may mga lalawigan pa sa rehiyon na hindi pa nakapagsusumite ng report.
Ayon kay Yacob, ang datos ay mula pa lamang sa mga lalawigan ng Maguindanao at Lanao del Sur kung saan nasa 10,818 na ektarya ng pananim na palay at 11,039 na ektarya ng pananim na mais ang apektado.
Sa kabuuang 21,857 na ektaryang apektado ay nasa 11,050 hectares ang totally damaged.
Sa pagtaya ay nasa 18,423 na magsasaka ang apektado sa dalawang lalawigan.
Tinutulungan naman na ang magsasaka kabilang ang pagbibigay sa kanila ng heat-resistant crop varieties.