Ang appointment paper ni Rio bilang DICT acting secretary ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong March 25 at inilabas ng Malakanyang ngayong Biyernes, March 29.
Noong May 11, 2018, unang itinalaga ni Pangulong Duterte si Rio bilang DICT acting secretary.
Pinalitan niya noon si DICT secretary Rodolfo Salalima na inalis sa pwesto dahil sa ilang mga isyu.
Pero noong Nov. 2018, naglabas ang Malakanyang ng nomination paper ni Senator Gringo Honasan para maging bagong kalihim ng DICT.
Nilagdaan din ni Pangulong Duterte ang nasabing nomination paper.
Pero mula nang ilabas ang nomination paper ay hindi naman nanungkulan bilang kalihim ng DICT secretary.
Noong Enero 2019, sinabi ni Senate Pres. Tiuto Sotto III na maaring bigyan siya ng ibang pwesto ni Pangulong Duterte.