Malakanyang tiniyak ang tulong sa 48 Pinoy na nasa death row sa Malaysia

Tiniyak ng Malakanyang na tinutulungan ang nasa 48 mga Filipino na nakahanay sa parusang kamatayan sa Malaysia.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, makatitiyak ang mga OFW na hindi sila aabandonahin ng pamahalaan.

Ang pahayag ni Panelo ay kasunod ng sinabi ni Rep. Lito Atienza na mayrong 48 Pinoy sa Malaysia ang nahaharap sa death penalty.

Ang parusang kamatayan sa Malaysia ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbigti.

Ani Panelo, inaasikaso ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga kaso ng OFWs sa Malaysia.

Read more...