LOOK: Ilang lansangan sa QC, Makati at Pasig sasailalim sa reblocking at repair ngayong weekend

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways o D-P-W-H ang road repair at reblocking sa ilang kalsada sa Quezon City, Makati at Pasig.

Ayon sa kagawaran, magkakaroon ng road repair works ang mga kalsada sa EDSA, C5 at Katipunan Avenue.

Sinabi ni DPWH-National Capital Region Director Ador Canlas na kasama sa road repair ang mga sumusunod na kalsada:

Sa southbound:
– Ermin Garcia hanggang New York sa QC, unang lane mula sa sidewalk
– Harap ng Tiendesitas hanggang SM Center sa Pasig
– Katipunan Avenue mula pagkatapos ng C.P. Garcia at J. Escaler

Sa northbound naman:
– 50 metro pagkatapos ng Magallanes MRT hanggang KM 29 ng Makati City.
– Harap ng SM Aura hanggang Market Market

Magsisimula ang pagsasaayos sa mga kalsada mamayang alas onse ng gabi, March 29 hanggang alas singko, Lunes ng madaling-araw, April 1.

Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta para makaiwas sa mabagal na daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.

Read more...