2,066 na pulis sa NPD na-promote

Promoted ang nasa 2,066 na mga tauhan ng Northern Police District (NPD).

Pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Guillermo Eleazar administers ang oath taking sa mga bagong promote na pulis sa Valenzuela City Astrodome.

Ang mga napromote na pulis ay kinabibilangan ng 7 Police Executive Master Sergeants, 31 Police Chief Master Sergeants, 53 Police Senior Master Sergeants, 31 Police Master Sergeants, 254 Police Staff Sergeants, at 1,690 Police Corporals.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Eleazar na napromote ang mga pulis dahil sa kanilang disiplina at maayos na performance.

Bilin ni Eleazar sa mga pulis, ang matino at mabuting pulis ay maipagmamalaki ng kanilang mga anak.

Read more...