Sevilla Bridge sa San Juan isasara sa mga motorista sa Sabado at Linggo

Isasara sa daloy ng traffic ang Sevilla Bridge sa San Juan City bukas araw ng Sabado, March 30 at sa Linggo, March 31.

Sa abiso ng MMDA, sisimulan ang pagsasara ng tulay, alas 10:00 ng gabi ng Sabado at tatagal hanggang alas 9:00 ng umaga ng Linggo.

Ito ay para bigyang daan ang konstruksyon ng Metro Manila Skyway Project 3.

Sinabi ng MMDA na ililipat ang mga barge para sa San Juan River Alignment na bahagi ng proyekto.

Dahil dito, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang nasabing lugar ngayong weekend at humanap na lamang ng ibang ruta.

Read more...