Ayon kay Belmonte na tumatakbong mayor sa Quezon City, dasal niya ang malinis na kampanya, walang fake news, walang black propaganda, walang mud-slinging, at kasinungalingan.
“know this is wishful thinking, but miracles do happen, especially when God’s righteous love prevails,” ani Belmonte.
Sa unang araw ng campaign period, naglunsad ng proclamation rally ang Serbisyo sa Bayan Party (SBP), lokal na partido ni Belmonte, kung saan ipinahayag ng mga kandidato sa ilalim ng nito ang kanilang mga plataporma para sa mga mamamayan ng lungsod.
Pinangunahan ni Belmonte ang pagtitipon at sinamahan siya ng kanyang running mate na si Coun. Gian Sotto, tumatakbong vice mayor; kanyang ama na si Cong. Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. na dating alkalde ng Quezon City; at ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Ilan sa mga plataporma ni Belmonte ay ang pagpapaigting sa anti-drug program, pagkakabit ng mas maraming closed-circuit television (CCTV) camera sa mga lansangan, pagpapabuti sa document processing sa pamamagitan ng modernong teknolohiya, at mas epektibong paghahatid ng mga serbisyo tulad ng pagsisiguro na kasapi ng Social Security System (SSS) at PhilHealth ang lahat ng sektor sa Quezon City.
“My goal is to be an exemplary leader that the people can trust and can deliver positive change for the good of the people. Hindi ako mangangako ng kung ano-ano na hindi ko naman kaya tuparin pero sisiguruhin ko na lagi nating uunahin ang kapakanan ng nakararami, at ang kabutihan para sa ating mga mamamayan,” dagdag pa ni Belmonte.
Dumalo sa proclamation rally ng Belmonte-Sotto tandem ang ilan sa mga kandidato sa pagka-senador sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na kinabibilangan nina Senators Cynthia Villar, Aquilino Pimentel III, JV Ejercito, at Sonny Angara; mga dating senador na sina Jinggoy Estrada, Ramon Revilla Jr., at Pia Cayetano; Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating national police chief Ronald dela Rosa, dating special assistant to the president Christopher Go, dating presidential legal adviser Francis Tolentino at ang broadcast journalist na si Jiggy Manicad.
Nobyembre ng nakaraang taon nang pormal na nakipag-alyansa ang SBP sa HNP sa ilalim ni Davao City Mayor Sara Duterte.