Ilang branch ng Landbank bukas sa dalawang magkasunod na Sabado ng Abril; iba pang branch palalawigin ng banking hours

Magbubukas sa dalawang magkasunod na Sabado sa buwan ng Abril ang ilang branch ng Landbank.

Ayon sa abiso ng bangko sa kanilang mga kliyente, sa April 6 at 13 na kapwa araw ngSabado ay bukas ang ilan sa kanilang branch.

Sa ibang branch naman, palalawigin ang banking hours ng hanggang alas 4:00 at alas 5:00 ng hapon kapag weekdays simula sa April 1 hanggang 15, 2019.

Ang naturang hakbang ayon sa Landbank ay dahil sa nalalapit na deadline ng paghahain ng income tax.

Nais umano nilang maserbisyuhan ng mas mahaba ang kanilang mga kliyente para makabayad buwis bago ang deadline.

Narito ang link para sa kumpletong listahan ng mga branch: https://www.landbank.com/sites/default/files/basic/LIST-OF-BRANCHES-03-29.pdf

 

Read more...