3 arestado sa anti-criminality campaign sa Maynila

Arestado ang tatlong drug personalities sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District (MPD) sa Malate, Maynila Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng MPD-Malate Police Station 9, nahuli sina Hoven Sandoval, trenta y otso-anyos; Salvador Aclao, trenta y uno-anyos; at Bob Billano, kwarenta anyos, sa bahagi ng A. Mabini St. dakong alas sais benta ng umaga.

Ang isa sa mga suspek na si Sandoval ay kabilang sa drugs watchlist ng MPD Police Station 9.

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu.

Dinala ang shabu sa MPD Crime Laboratory para sa gagawing qualitative at quantitative examination.

Mahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...