Pag-aresto kay Maria Ressa, may basehan ayon sa Malakanyang

Ipinagtanggol ng Palasyo ng Malakanyang ang pag-aresto kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Dummy Law.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na mayroong basehan ang korte sa pag-aresto kay Ressa.

Hindi naman aniya ilalabas ang warrant of arrest ng korte kung walang nakitang probable cause sa kaso.

Dahil dito, makikita aniyang umiral ang due process sa pag-aresto kay Ressa.

Isinalarawan ng mamamahayag ang pag-aresto sa kaniya bilang ‘harassment’ at ‘travesty of justice.’

Ngunit giit ni Panelo, hindi nito dapat laging gamiting ‘excuse’ ang freedom of the press para atakihin ang administrasyon.

Inaresto si Ressa pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa kaniyang overseas trip.

Matapos ang ilang oras, nakalaya rin ang mamamahayag makaraang makapag-piyansa ng P90,000 sa Pasig City Regional Trial Court.

Read more...