Trump at Moon Jae-in magpupulong sa Washington sa Abril

Nakatakdang magpulong sina U.S. President Donald Trump at South Korean president Moon Jae-in sa Washington sa buwan ng Abril.

Ayon kay Seoul senior presidential press secretary Yoon Do-han, tatalakayin ng dalawang lider ang gagawing proseso para makamit ng kapayapaan sa Korean peninsula sa pamamagitan ng denuclearization.

Inaasahang darating si Moon sa Washington sa April 11 para sa naturang two-day visit.

Kinumpirma naman ito ng White House.

Maliban dito, sinabi ng White House na plano ring makipagpulong sa North Korea ukol sa naturang usapin.

Sa inilabas pang pahayag, iginiit ng White House press secretary na ang alyansa ng U.S. at Republic of Korea ay nagsisilbing ‘linchpin’ ng kapayapaan at seguridad sa Korean Peninsula.

 

Read more...