Tanging si Mayoralty candidate Isko Moreno ang nakadalo, hindi dumalo si incumbent Mayor Joseph Estrada at si Mayoralty candidate Alfredo Lim ay ipinadala ang abugadong si Atty. Renato dela Cruz bilang kaniyang kinatawan.
Humarap si Moreno sa mga estudyante ng UP-Manila at iba pang grupo.
Ang nasabing forum ay inorganisa ng “Good Neighbors Initiative” o GNI na kinabibilangan ng mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor sa Maynila.
Layunin ng forum na ilahad ang mga problema sa lungsod partikular sa basura, illegal vendors at illegal terminals.
Nais ng GNI na makuha sana ang plataporma ng tatlong kandidato patungkol sa illegal vendors, illegal terminal at mga basurang nagkalat sa Maynila.
Sa isang video presentation, ipinakita pa ng GNI ang panganib sa mga pangunahing kalsada sa Maynila at hinamon ang mga kandidato na resolbahin ang mga nasabing suliranin.