Tatlong buwan na hindi maaaring manghuli ng isdang tamban ang mga commercial vessel sa nasabing rehiyon.
Sa abiso kasi ng BFAR, tatagal ang fishing ban hanggang sa March 1, 2016. Ito ay upang masiguro ang suplay ng isdang tamban sa rehiyon.
Kasunod ng pagpapatupad ng fishing ban, nagpadala na ang BFAR ng dalawang patrol vessel upang magmonitor at manghuli ng lalabag sa kautusan.
Binigyang-diin ng ahensya na para lamang sa commercial fishing vessel ang ban at hindi para sa mga maliliit na mangingisda.
Ang isdang tamban ang ginagamit sa paggawa ng sardinas.
MOST READ
LATEST STORIES