Philpost, may paalala sa mga magpapadala ng Xmas cards at liham

PASKO NAPinaalalahanan ng Philippine Postal Corporation ang mga nais maging tradisyunal ngayong panahon ng kapaskuhan sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham at mga Christmas card sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa Philpost, para matiyak na makakarating on-time ang mga Christmas at New Year mails at cards, dapat ay maaga pa lamang ay ipadala na ang mga ito.

Sa abiso ng Philpost, ang mga holiday-related domestic express mails ay dapat maihulog na sa mga post office sa December 16.

Ang mga international express mails naman ay dapat maihulog sa post office sa December 14.

Kung domestic ordinary mails naman ang ipadadala, mas maaga itong dapat maihulog sa mga post office.

Ayon sa Philpost, dapat sa December 11 ay nasa kanila ang mga ordinary mails na para lamang dito sa PIlipinas, at kung sa ibang bansa naman ipadadala ay dapat December 7 pa lamang ay naihulog na ang mga liham at cards.

Kung regalo o packages naman ang ipadadala, dapat December 10 ay nasa post office na ang mga ito.

Ayon sa Philpost, kahit uso na social media, may mga tradisyunal pa ring nagpapadala ng Christmas cards at sulat kapag ganitong season.

Read more...