WATCH: PUV drivers sa MOA, Pasay isinailalim sa drug test ng PDEA

Radyo Inquirer Photo/Jomar Piquero
Nagsagawa ng sorpresang drug test ang Philipinne Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga driver ng PUV sa Mall of Asia sa Pasay City.

Ang isinagawang simultaneous mandatory drug tests ay sa ilalim ng proyektong “Oplan Harabas” ng PDEA, LTO, at LTFRB.

Unang tinungo ng mga otoridad ang bahagi ng Pasay-Rotonda at kalaunan at dumeretso sa MOA Terminal.

Kabilang sa mga sumalang sa drug test ay mga tsuper ng tricycle, jeep, taxi at UV.

Mahigit 50 driver ang naisalang sa drug test.

Read more...