Operasyon ng Sydney Airport inihinto dahil sa usok sa air traffic control tower; lahat ng parating na flight na-divert

Itinigil ang operasyon ng Sydney Airport sa Australia matapos may ma-detect na sunog sa loob ng air control tower nito.

Inilikas ang lahat ng tauhan sa control tower na kinabibilangan ng 20 katao at agad rumesponde sa lugar ang mga bumbero.

Dahil sa nasabing sunog, sinabi ng Air Services Australia na nagpatupad ng full ground stop sa operasyon ng paliparan.

Walang eroplanong pinayagang makaalis at lahat ng paparating na eroplano sa paliparan ay na-divert.

Read more...