LOOK: Water level sa mga dam ngayong March 29 ng umaga

Muling nabawasan ang antas ng tubig sa mga dam sa Luzon base sa monitoring ng PAGASA Hydrology Division.

Ayon sa PAGASA, alas 6:00 ng umaga ng March 29, 193.96 meters ang water level ng Angat dam.

Nabawasan ito ng 0.42 meters kumpara sa 194.38 meters na water level kahapon.

Ang La Mesa dam naman, nasa 68.55 meters ang water level ngayong umaga, bahagyang nabawasan kumpara sa 68.54 meters kahapon.

Pawang nabawasan din ang water level sa Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Read more...