Kuril Islands sa Russia niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bahagi ng Kuril Islands sa Russia.

Naitala ang sentro ng pagyanig sa bayan ng Severo-Kurilsk ayon sa US Geological Survey.

Tumama ang lindol pasado alas 6:00 ng umaga oras sa Pilipinas.

Inaalam pa kung nagdulot ng pinsala ang naturang pagyanig.

Read more...