Dalawang Pinoy group nagtagisan para makapasok sa finals ng Asia’s Got Talent

Dalawang Filipino group ang naglaban para sa third round ng Asia’s Got Talent semi-finals week.

Kinabibilangan ito ng mag-asawang Anjanette at Gervin na mas kilala bilang Power Duo at ang magkapatid na singer na sina Harrah Kaym at Hannah Korin o kilala bilang H-K sisters.

Para sa isa sa judges na si David Foster, deserve ng power duo na maka-pwesto sa finals ng talent competition.

Sinang-ayunan naman ng co-judge na sina Jay Park at Anggun Ang Papuri ni Foster.

Samantala, hinangaan din ng mga hurado ang pag-awit ng H-K sisters.

Malalaman kung sino ang makaka-abante sa finals sa pamamagitan ng text votes.

Read more...