Hinunangan, Southern Leyte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Hinunangan sa lalawigan ng Southern Leyte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 1 kilometer Northwest ng bayan ng Hinunangan, alas-3:27 umaga ng Biyernes (March 29)

May lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...