P70M halaga ng pananim na marijuana, sinunog sa Kalinga

MARIJUANA / JANUARY 30, 2015
FILE PHOTO
Aabot sa P70 milyon halaga ng pananim na marijuana ang Binunot at sinunog ng mga otoridad Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Police Maj. Willy Dumansi, hepe ng PNP Tinglayan, nasa 337,700 fully-grown marijuana plants ang winasak at mula ang mga ito sa 11 plantation sites.

Mayroon ding sinunog na 20,000 gramo ng dried marijuana stalks at 5,000 grams dried marijuana leaves.

Noong Marso 15 hanggang 18 ay nagsagawa ng kahalintulad na operasyon ang mga otoridad.

Sa nasabing operasyon ay aabot naman sa mahigit P21.5-milyon ang halaga ng marijuana plants ang sinira.

Read more...