WATCH: Ilang bahay at establisyimento nasunog sa Bangkal, Makati

Tinupok ng apoy ang ilang bahay at establisyimento sa Barangay Bangkal sa Makati City.

Nagsimula ang sunog sa isang residential area sa General Mascardo at General Malvar Streets dakong alas 6:40 ng umaga ng Biyernes, March 29.

Ayon sa Makati Fire Department aabot may mga establisyimento din sa bahagi ng Malvar Street ang nasunog.

Alas 7:12 naman umaga nang itaas sa 4th alarm ang sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at inaalam kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...