Chinese national nakuhanan ng mahigit 300 kilo ng heroin, inaresto sa Vietnam

Isang Chinese national ang inaresto ng mga otoridad sa Vietnam matapos na makuhanan ito ng mahigit 300 kilo ng heroin.

Dinakip ang Chinese sa Ho Chi Minh City kaugnay sa nagpapatuloy na crack down laban sa ilegal na droga sa Vietnam.

Aabot sa 313 na kilo ng heroin ang nakuha mula sa suspek na tinatayang aabot sa $8.6 million ang halaga.

Maliban sa isang Chinese, inaresto din ang isang kasama nito na hindi binanggit kung ano ang nationality.

Noong nakaraang linggo, dinakip sa Vietnam ang 16 na Chinese at 3 Vietnamese dahil sa pagpapatakbo ng major drug ring.

Read more...