Malaking bahagi ng Mindanao uulanin dahil sa Easterlies

Apektado pa rin ng easterlies ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Maliban sa cloud clusters sa silangang bahagi ng Mindanao, walang anumang sama ng panahon na namo-monitor ang PAGASA hanggang sa susunod na mga araw.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, makararanas ng kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang buong Mindanao.

Ang western section ng Mindanao, partikular ang Zamboanga, Bangsamoro, Sulu Archipelacgo, Soccsksargen at Davao Region ay mas makararanas ng malakas na pag-ulan.

Ang Central Visayas at Palawan naman ay makararanas ng maaliwalas na panahon ngayong araw at magkakaroon lamang ng ulan sa hapon o gabi dahil sa thunderstorms.

Mababa naman ang tsansa ng pag-ulan sa western at eastern Visayas.

Samantala, ang lalawigan ng Aurora at Qezon ay makararanas lamang din ng localized thunderstorms, habang sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila at mainit at maalinsangang panahon ang mararanasan.

Read more...