Jackpot sa Grand Lotto 6/55 aabot sa P90M bukas ayon sa PCSO

Inaasahang aabot saP90M ang jackpot sa Grand Lotto 6/55 ng PCSO para sa draw bukas, March 30, 2019.

Ito ay makaraang walang makakuha ng winning number combination noong Miyerkules na 47, 10, 44, 09, 01 at 18.

Ayon sa PCSO, January 21, 2019 pa huling napanalunan ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na umabot sa P239 million.

Ang draw para sa Grand Lotto ay ginagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...