Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ng 50 volcanic earthquakes sa Taal simula noong March 22.
Sinabi ng Phivolcs sa publiko na mananatiling off-limits ang main crater ng bulkan dahil sa mga biglaang steam explosions at paglalabas ng lethal volcanic gases.
Ipinaalala rin ng ahensya na ang buong bulkan ay isang permanent danger zone kaya ang permanenteng paninirahan sa paligid nito ay ipinagbabawal.
Sakaling makapagtala ng 100 volcanic earthquakes ay posibleng itaas ang alert level 2 sa Bulkan.
Huling itinaas sa alert level 1 ang Taal noon pang 2013.