Sa isang pahayag, sinabi ni NCRPO Major General Guillermo Eleazar na tradisyonal nang mas tensyonado at mas may gulo ang local election campaign periods.
“Local election campaign periods have shown traditionally, that there is more conflict and tension in the air,” ani Eleazar.
Dahil dito anya ay palalakasin ang mga checkpoints sa Metro Manila upang mapigilan ang masasamang loob sa kanilang mga binabalak.
Ang mga kandidato naman na magtatangkang bumili ng boto ay binalaan ni Eleazar at mahaharap umano ang mga ito sa parusa.
Anya sino mang masasangkot sa vote-buying ay aarestuhin on-the-spot.
Samantala, pinayuhan naman ang mga kandidato at kanilang campaign organizers na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa kanilang maayos na political rallies.