Love team, kasama sa mga celebrities na nasa PDEA drug watchlist

Kabilang ang isang love team sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga artista o celebrities na umanoy sangkot sa droga.

Ayon kay PDEA chief Aaron Aquino, may nakita siyang love team sa 31 celebrities na nasa drug watchlist.

Hindi pinangalanan ni Aquino ang love team pero iginiit nito na dapat nang tumigil sa paggamit o pagtutulak ng droga ang mga artista.

Babala ng PDEA chief, marami na silang nahuling artista kaya huwag na anyang hintayin ng mga ito na mahuli sila.

Bibirahin anya ng ahensya ang mga artista na nasa drug list kahit pa nasa hotel, condominium at exclusive subdivision ang mga ito.

Aminado naman si Aquino na hindi madali ang pagkalap ng ebidensya laban sa mga celebrities na nasa listahan.

Read more...