Nagkasundo ang Metro Manila Council na ipatupad ng MMDA ang traffic management code o anti-jaywalking ordinances sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, sisimulan nang hulihin ng MMDA personnel ang mga jaywalkers sa mga pangunahing lansangan gaya sa EDSA.
Dahil deputized na anya ang ahensya ay may mga lugar na manghuhuli na sila ng jaywalkers gamit ang tiket ng local government unit.
Paliwanag ni Pialago, may mga inilaang lugar kung saan pwedeng tumawid pero ang iba ay nakikipagsapalaran na basta na lang tumawid kahit delikado.
Sa datos ng MMDA, nasa 51,470 ang nahuling jaywalkers noong 2018 pero mahigit 42,000 ang unsettled violations.