Ayon sa NDRRMC, nasa P2.6 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa tuyong mga lupain batay sa impormasyon mula sa mga lalawigan at ilang bahagi ng Metro Manila.
Ayon naman kay Agriculture Sec. Manny Piñol, sinusuri pa nila ang mga datos mula sa mga lokal na pamahalaan.
Pero sa kanilang kwenta, nasa P1.3 bilyon lamang ang halaga ng pinsala.
Posible anyang pinalaki ng mga LGU ang halaga para maka-kickback umano sa calamity fund at magamit ang pera sa eleksyon.
Dahil sa election period ay hindi na pwedeng maglabas ng pondo ang mga lokal na pamahalaan pero depende kung kailangan ito sa kalamidad.
Sa ngayon ay aayusin umano ng dalawang ahensya ang hindi tugmang datos bago mag-ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte.