LTO: Wala pang desisyon sa materyales para sa doble plaka

Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na wala pa silang desisyon ukol sa gagamiting materyales para sa doble plaka.

Ayon sa LTO walang nakasaad sa doble plaka law na bakal ang gagamiting materyales.

Paglilinaw ito ng ahensya matapos pumalag ang ilang grupo sa Republic Act No. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act.

Nakasaad sa bagong batas na mas malaking plaka ang gagamitin sa motorsiklo at dapat na nakikita ito mula 15 metro.

Pero sinabi ni LTO chief Edgar Galvante na walang probisyon sa batas na nagsasabi kung ano ang disensyo o materyales na gagamitin sa plaka.

Kasalukuyan pa anyang pinag-aaralan kung ano ang gagamitin sa paggawa ng plaka na sa ilalim ng bagong batas ay dapat na nakalagay sa unahan at likurang bahagi ng motorsiklo.

Read more...