P9 na minimum na pamasahe sa bus sa Cebu, epektibo na simula April 1

CDND file photo

Magpapatupad ng mas mataas na pamasahe sa bus sa lalawigan ng Cebu simula sa April 1.

Ayon kay Regional Director Eduardo Montealto Jr., ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Central Visayas (LTFRB-7), ang mga bus units sa rehiyon na mayroon ng bagong fare matrix ay pwede nang ipatupad ang P9 minimum fare sa unang 5 kilometro at P1.55 na dagdag sa bawat sunod na kilometro.

Ang bagong minimum na pamasahe sa bus ay P3 mas mataas sa kasalukuyang pamasahe sa probinsya na P6.

Ang pamasahe naman sa bawat sunod na kilometro ay mas mataas ng P0.15 mula sa kasalukuyang P1.40.

Ayon kay Montealto, natanggap nila ang memorandum circular mula sa LTFRB Central Office para sa provisionary fare increase noong Nobyembre.

Pero hindi ito agad ipinatupad dahil hindi magkakapareho ang pamasahe sa mga bus sa Central Visayas.

Sa conference sa Camiguin kamakailan ay nagkasundo ang mga opisyal ng ahensya na ipatupad ang P9 base fare at dagdag P1.55 per succeeding kilometer na uniform matrix sa buong bansa.

Read more...