Walang pasok ang ilang lunsgod at munisipalidad sa Mindanao sa April 3 kasunod ng Muslim holiday na Isra Wal Mi’Raj.
Sa kanilang Facebook page, inanunsiyo ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang pagdaraos ng naturang holiday na itinuturing ito bilang isang legal na Muslim holiday batay sa Presidential Decree No. 1083 o Code of Muslim Personal Laws of the Philippines.
Narito ang listahan ng mga lugar na walang pasok para sa nasabing petsa:
– Basilan
– Lanao del Norte
– Lanao del Sur
– Maguindanao
– North Cotabato
– Sultan Kudarat
– Sulu
– Tawi-Tawi
– Zamboanga del Norte
– Zamboanga del Sur
– Cotabato
– Iligan
– Marawi
– Pagadian
– Zamboanga
Ayon sa NCMF, wala ring pasok ang mga Muslim na empleyado ng iba’t ibang government offices sa labas ng mga nasabing lugar.
Dagdag pa nito, maari namang obligahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kumpanya na ikonsidera ang Muslim holiday nang hindi mababawas sa kanilang sweldo sa pamamagitan ng isang proklamasyon.