Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, ginampanan ng mga pulis ang kanilang tungkulin at napatumba ang mga rebelde sa kabila ng kakaunting bilang sa kanilang hanay.
Maituturing aniya itong accomplishment na dapat maging basehan sa lahat ng istasyon ng pulisya sa bansa.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ipinag-utos ni Año sa Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng medya sa mga lumaban na pulis.
Kasunod ng pag-atake, inatasan din ni Año ang PNP na makipagtulungan sa militar para sa mas mahigpit na operasyon laban sa mga rebeldeng grupo sa bansa.