Carpio, pabirong tinuruan ni Panelo kung paano makaiiwas sa panghihimasok ng China

“How to invade China.”

Ito ang pabirong payo ni Presidential spokesman Salvador Panelo kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio matapos magpalitan ng maanghang na salita kaugnay sa US$62 million na utang ng Pilipinas sa China para pondohan ang Chico River Irrigation Project.

Ayon kay Carpio, nagkaroon sila ng pagkakataon na magkausap ni Panelo sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) National Convention na ginanap sa Marriott Hotel sa Iloilo City.

Ani Carpio, magka-brod sila sa fraternity ni Panelo sa Sigma Rho Fraternity sa University of the Philippines (UP).

Pero ayon kay Panelo, biro lamang ang kanyang ginawa kay Carpio.

Sinabi pa ni Panelo na nagkasundo sila ni Carpio na “how to invade China” ang kanilang ibigay na pahayag para tumawa naman ang reporters na magtatanong sa kanila.

“We just happened to meet at breakfast since we’re staying in same hotel. He is a fraternity brod, and we engage in the usual small talk, like what he said – how to invade China,” ani Carpio

Read more...