Sa ilalim ng House Bill 7964 o “Tax-Free Travel for Senior Citizens and PWDs (persons with disabilities) Act,” nakasaad na minsan ang senior citizens at PWDs ay kinakailangang magpagamot sa ibang bansa at malaking tulong para sa kanila na malibre sa pagbabayad ng travel tax para sa mas accessible na overseas travel.
Marapat lamang ayon sa may-akda ng panukala na maibigay din ng estado ang kinakailangang tulong sa mga senior citizen at WD na karaniwang umaasa lamang sa pensyon o sa kita ng pamilya.
Una rito, ipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang magbibigay ng 20% discount sa travel tax para sa senior citizens at PWDs.
Sa ilalim ng Presidential Decree 1183, aabot sa P1,620 ang full travel tax para sa economy class, P2,700 full travel tax sa mga first class passengers habang P1,350 at P810 naman ang standard reduce rate samantalang P400 at P300 naman ang Privileged Reduced Tax para sa mga OFW dependents.