Napoles, pinayagan ng SC na makadalo sa mga pagdinig sa kinakaharap na kaso sa Sandiganbayan

Pinayagan ng Supreme Court ang plunder convict na si Janet Lim-Napoles na makadalo ng pagdinig ng kaniyang kaso hinggil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam at Malampaya fund scam sa Sandiganbayan.

Ayon sa SC, maaring makalabas si Napoles ng Correctional Institutaion for Women sa Mandaluyong City para dumalo sa mga pagdinig.

Inilabas ito kasunod ng mga natanggap na liham mula sa ilang division ng anti-graft court para sa presenya ni Napoles.

Noong December 2018, nahatulang guilty si Napoles sa kasong plunder kasunod ng maling paggamit ng PDAF ni dating Senador Bong Revilla.

Naabswelto naman si Revilla sa naturang kaso.

 

Read more...