Victoria, Northern Samar isinailalim sa lockdown matapos ang pag-atake ng NPA

Isinailalim sa lockdown ang Victoria, Northern Samar matapos ang umano’y pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa isang police station sa bisperas ng ika-50 anibersaryo ng rebelden grupo.

Ayon kay municipal local operations officer Kenneth Joey Balase, ipinatupad ang lockdown para mahuli ang mga rebeldeng umatake sa police station.

Aniya, walang sinuman ang maaaring lumabas sa mga kalsada ngayon.

Hindi bababa sa 50 hinihinalang rebelde na nakasuot ng military uniforms ang umatake sa police station dakong 4:00 ng madaling-araw.

Nasa 15 pulis ang lumaban sa mga rebelde na nagresulta sa pagkasawi ng tatlo at pagkahuli ng ilan mula sa hanay ng mga rebelde.

Samantala, maayos na ang kondisyon nina Police Senior Master Sergeant Arturo Gordo Jr. at Police Master Sergeanct Arnold Cabacang na nagtamo ng tama ng bala mula sa bakbakan.

Read more...