Halos 900 kawani ng Makati City Hall, na-regular at na-promote sa pamumuno ni Mayor Abby Binay

Nasa mahigit 900 kawani ng Makati City Hall ang na-regular at na-promote sa ilalim ng pamumuno ni Makati Mayor Abby Binay.

Sa naturang bilang, 542 ang binigyan ng permanent appointment habang 364 naman ang nabigyan ng promosyon simula nang maupo si Mayor Abby taong 2016.

Ayon sa alkalde, mananatili siyang tapat para palakasin ang pamahalaang lungsod bilang employer para makasabay sa ibang pribadong sektor na mayroong mahuhusay na manggagawa.

Sa tulong nito, mapapaangat aniya ang kalidad ng serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod.

Ilan sa mga na-regular at na-promote ay mula sa Makati Social Welfare Department, Disaster Risk Reduction and Management Office, Urban Development Department, Department of Environmental Services, Makati Health Department, Ospital ng Makati at iba pa.

Matatandaang sinimulan ni Mayor Abby ang unang loyalty incentive program para sa mga matagal nang empleyado ng Makati City Hall taong 2017.

Read more...