PCOO hinimok ang Asean Culture and Information Sub-Committee delegates na tiyaking makararating sa mamamayan ang mga benepisyo ng ASEAN

Hinihikayat ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations Committee on Culture and Information Sub-Committee in Information na pag-ibayuhin ang kanilang pagsisikap na maiparating ang mga inisyatiba at benepisyo ng regional bloc sa kanilang mga mamamayan.

Ayon kay Andanar, wala siyang nakikitang rason para hindi magawa ang kanilang tungkulin sa tulong ng mga communication tools na mayroon ang kasalukuyang panahon.

Sa kanyang keynote message sa 20th Meeting ng ASEAN COCI, tiniyak din ni Andanar na patuloy ang effort para mapabuti pa ang information and media professionals para maging mas epektibong communicators.

Ibinahagi din ni Andanar ang nakamit ng ASEAN na pagtatatag ng “peace and harmony”, pagpapatibay ng ekonomiya at promosyon ng turismo sa rehiyon.

Ipinagmalaki din ni Andanar ang mga inisyatibong ginawa ng ASEAN para ma-promote ang social development, environmental protection at preservation ng cultural heritage.

Iginiit din ni Andanar na umaasa siya sa mas maraming avenues at kooperasyon ng ibang ASEAN sectors at external partners para masiguro ang pride at para maramdaman ang pagiging kabahagi ng mga mamamayan ng ASEAN.

Read more...